Ngayong alas kwatro ng hapon pipilitin ng Bicameral Conference Committee na aprubahan na ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ito na ang ikaanim na araw na debate para sa pagpapasa ng kontrobersyal na panukala.
Ayon kay Senate Subcommittee on BBL Chairman Juan Miguel Zubiri, limang isyu na lamang ang natitira na dapat nilang isapinal ngayong araw.
Isa sa sensitibong probisyon na kanilang tatalakayin ngayon ay ang provision on patrimony at natural resources.
Nakapaloob dito kung papaano gagamitin ng Bangsamoro people ang sakop nitong karagatan at ibang likas na yaman.
Nangako si Senator Zubiri na maglalabas ng pinal na kopya ng bicam report para sa ipinasang bersyon ng BBL.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: BBL, BICAM, sub committee