BI, nagbabala vs. scammers na nangangakong aalisin sa immigration blacklist kapalit ng malaking halaga

by Radyo La Verdad | February 3, 2023 (Friday) | 1865

METRO MANILA – Nagbabala sa publiko ang Bureau of Immigration (BI) hinggil sa mga scammer na nag-aalok ng serbisyo sa social media.

Humihingi umano ang mga ito ng P1M hanggang P5M kapalit ng pag-aalis sa immigration blacklist.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kumakalat ang scam na ito hindi lang facebook kundi pati sa ibang messaging platforms.

May mga nagpapakunwari na abogado at legal officers ng kawanihan na gumagamit ng profile photos ng kanilang mga empleyado, kanilang badges at logo.

Payo ng BI, ireport kaagad sa kanila ang mga online scam.

Tags: ,