BFP-NCR, nakilahok sa Brigada Eskwela sa Ramon Magsaysay HS sa Quezon City

by Radyo La Verdad | June 7, 2016 (Tuesday) | 2665

JOAN_BRIGADA
Sama-samang naglinis sa Ramon Magsaysay High School sa Cubao Quezon City ang mahigit sa isang daang tauhan ng Bureau of Fire Protection National Capital Region bilang bahagi ng kanilang pakikiisa sa brigada eskwela 2016.

Nagtulong tulong magwalis sa buong paligid ng eskwelahan ang mga volunteer, gayundin sa pagkukumpuni at pagpipintura sa mga upuan na gagamitin sa bawat klasrum.

Bukod sa pakikibahagi sa brigada eskwela, kabilang rin sa mga sinisiguro ng BFP-NCR ang fire safety compliance ng mga eskwelahan dito sa Metro Manila.

Ayon kay BFP-NCR Regional Director Chief Supt.Leonard Bañago, sa kasalukyan ay tuloy-tuloy ang kanilang isinasagwang fire safety inspection sa mga paaralan dito sa ncr.

Bagaman karamihan ay nakakasunod sa itinakdang requirements ng Bureau of Fire, may ilan pa rin aniyang mga eskwelahan ang nakikitaan nila ng mga paglabag.

Samantala malaki naman ang ibinaba ng bilang ng mga nagenroll sa grade 11 sa nasabing eskwelahan.

Mula sa mahigit isang libong estudyante na nagsipagtapos ng junior high school nasa 160 lamang ang kanilang enrolees sa senior high school.

Umaasa ang Ramon Magsaysay High School na madadagdagan pa ang bilang ng kanilang mga enrollee bago ang pagbubukas ng klase sa Lunes.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,