BFP, magsasagawa ng fire safety seminars at drills sa Mandaue City kaugnay ng target na maging fire-free ang lungsod

by Radyo La Verdad | April 14, 2016 (Thursday) | 1712

GLADYS_BFP-MANDAUE
Planong magsagawa ng Bureau of Fire Protection ng fire safety seminars at drills sa Mandaue City upang makamit ang target ng lokal na pamahalaan na maging fire-free ang lungsod.

Ayon sa BFP, bunsod na rin ito ng nangyaring malaking sunog noong nakaraang buwan na naka-apekto sa mahigit dalawang libong pamilya.

Natuklasan rin ng BFP na hindi bababa sa sampung barangay ang maituturing na fire hazzard dahil gawa lamang sa light materials ang mga bahay at makipot ang mga daanan.

Ayon sa BFP, plano nilang gawin ang seminar sa mga paaralan at establishments sa bawat barangay upang mabigyan ng kaalaman ang mga residente kontra sunog.

Patuloy rin ang pagbuo nila ng fire brigades sa mga barangay ng mandaue na malaking tulong sa fire fighting operation.

MULi rin nilang pinapayuhan ang publiko na mag-ingat, tiyaking naka-tanggal sa saksakan ang hindi ginagamit na appliances at huwag pabayaang may nakasinding kandila upang makaiwas sa sunog.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,