BFAR,magpapatupad ng fishing ban sa North Eastern Palawan

by Radyo La Verdad | November 4, 2015 (Wednesday) | 1778

BFAR
Magpapatupad ng fishing ban ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o bfar sa karagatan ng North Eastern Palawan.

Simula sa ika-labing lima ng Nobyembre hanggang sa Pebrero ng susunod na taon ay ipagbabawal muna ang panghuhuli ng Galunggong.

Kasunod ito ng pag-apruba ng National Fisheries and Aquatic Resources Management Council ng BFAR sa tatlong buwan na closed season sa nasabing lugar.

Naniniwala ang BFAR na malaki ang maitutulong ng pagsasara ng pangingisda sa rehiyon para matiyak na mapalaki muna ang mga isda at maiwasan ang ilegal na pangingisda.

Tags: ,