Bentahan ng paputok sa Bulacan, matumal pa rin

by Radyo La Verdad | December 26, 2017 (Tuesday) | 9079

Limang araw na lamang at 2018 na, subalit karamihan ng mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan ay halos wala pa ring benta. Nangangamba ang mga nagtitinda na tuluyan nang malugi ang kanilang mga negosyo at hindi na makabangon pa. Ang iba sa kanila, nagbubukas na ng kanilang tindahan ng dalawampu’t apat na oras ngunit wala pa rin umanong nangyayari.

Ayon sa mga nagtitinda ng paputok, posibleng natakot na ang mga tao na bumili dhil sa umiiral na executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagreregulate ng pagbebenta at paggamit ng paputok. Hindi naman sila tutol na pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan ngunit sana anila ay huwag naman silang alisan ng kabuhayan.

Samantala, sa  kabila  ng  mahinang benta,  tumaas  naman  ang  presyo  ng mga paputok  at  pailaw. Kabilang na dito ang sawa, ang dating 125 pesos bawat 500 rounds at 150 pesos na ngayon.

Ang kwitis na dating two pesos and fifty centavos ay umaabot na sa pitong piso ngayon.

 

( Nestor Torres / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,