Bentahan ng manok sa ilang pamilihan, matumal kasunod ng avian flu outbreak sa Pampanga

by Radyo La Verdad | August 14, 2017 (Monday) | 4562

Pangkaraniwang malakas ang bentahan ng panindang manok ni Aling Precy at aling Gloria sa kanilang pwesto sa Balintawak Market tuwing araw ng linggo.

Subalit kahapon, halos hindi nabenta ang mga ito at iilan lamang sa kanilang mga suki ang bumili ng kanilang manok.

Ayon sa mga tindera, naapektuhan ang kanilang negosyo nang magdeklara ang Department of Agriculture ng bird flu outbreak sa Pampanga noong Byernes.

Bumaba na rin anila ang presyo ng manok sa palengke. Mula sa dating 140 pesos kada kilo, ngayon ay ibinebenta na lamang nila ito ng 120 pesos.

Ayon naman sa Department of Trade and Industry, nakikipag-ugnayan na sila sa DA at sa mga manufacturers hinggil sa magigiging epekto ng outbreak sa suplay ng manok sa Region 3, Region 4 at Metro Manila.

Hindi lang naman dyan galling ang kanilang sources, nagmo-monitor na ang aming mga teams kung may paggalaw sa presyo. 

Nilinaw naman ng ilang mga nagtitinda na walang dapat na ipangamba ang mga mamimili dahil sinisiguro naman anila na malinis at ligtas ang lahat ng ibinebenta nilang pagkain.

 

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,