Bentahan ng face mask, bagsak presyo na

by Radyo La Verdad | September 15, 2022 (Thursday) | 2249

Ilang retailer ng face mask sa Divisoria, nagbawas na ng presyo para lamang makabawi sa puhonan.

Ang 3D mask na dati ay nabibili ng bente pesos sa kada sampung peraso, ngayon nasa 16 pesos na lamang ito.

Kinse pesos rin ang ibinaba sa presyo ng kada sampung piraso ng 5D mask na ngayon ay 35 pesos na lang din mula sa dating 50 pesos.

Ang dating 25 pesos na sampung piraso ng kn95 mask, ngayon ibinibenta na lamang sa divisoria ng 50 pesos ang kada 30 pieces.

100 pesos na lamang din ang 150 pieces ng surgical mask na dati ay 40 pesos sa limapung piraso lamang.

10 pesos naman ang ibinagsak sa presyo ng KN95 mask na pambata, na ngayon ay mabibili ng lamang ng 25 pesos.

Ayon sa Malakanyang, pag-aaralan muna ang magiging epekto ng niluwagang polisiya sa face mask kasunod ng planong gawin na ring boluntaryo ang pagsusuot nito sa loob ng mga establisimyento.

(JP Nuñez | UNTV  News)

Tags: