Suportado ng People Management Association of the Philippines o PMAP ang pagdadagdag ng isang libong pisong buwang pension ng mga retiradong miyembro ng SSS.
Subalit ayon sa grupo, malaki ang magiging epekto nito sa mga pangkaraniwang manggagawa na nagbabayad ng kontribusyon dahil mas maliit ang kanilang kita.
Ang nakikita anilang remedyo ito ay magkaroon din ng reporma sa benepisyong ibinibigay ng SSS sa iba pang mga miyembro.
Dapat din aniya ay mas mataas at epektibo ang pangongolekta ng kontribusyon at credit loan payments, gayundin ang pagpapaigiting sa kakayahan ng SSS na kumita mula sa kanilang investment.
Umaasa naman ang PMAP na maikokonsidera ng pamahalaan ang kanilang mga suhestyon na layong pamabuti at mapalago ang pondo ng sss sa kapakanan rin ng mga miyembro nito.
(Joan Nano / UNTV Correspondent)
Tags: Benepisyo para sa mga manggagawa, dapat ring taasan kasunod ng SSS pension increase, PMAP