Pinadadalo ng Department of Justice sina Budget Secretary Butch Abad at PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta sa preliminary conference ng arbitration case sa darating na May 3.
Kaugnay ito ng mahigit 139-million pesos na benepisyo ng apatnapung mga retiradong PAO lawyers na hindi ibinibigay ng Department of Budget and Management.
Nitong Enero, naglabas na ng magkahiwalay na resolusyon ang Senado at Kamara at inaatasan ang DBM na bayaran ang benepisyo ng mga PAO retirees.
Nanganganib din na mabawasan ang sahod at iba pang benepisyo ng mga abogado ng PAO dahil ibabalik sa 12% mula sa kasalukuyang 3% ang share ng gobyerno sa kanilang retirement and pension plan.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)
Tags: arbitration ng DOJ, Benepisyo, mga retiradong PAO lawyers