Beneficiaries ng SAF 44, nakatanggap na ng educational assistance mula sa Napolcom at PNP

by Radyo La Verdad | August 13, 2015 (Thursday) | 1243

SAF
Naibigay na ng National Police Commission sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police ang educational assistance para sa mga anak ng SAF 44.

46 na anak ng SAF 44 ang nabigyan ng educational assistance certificates.

Sa 89 naman na request mula sa iba pang beneficiaries tulad ng kapatid at mga pamangkin 43 dito ang naaprubahan na rin mula sa Presidential Social Funds, 17 mula sa Commission on Higher Education, 25 naman ang nasa proseso pa ng pagku-kumpleto ng mga dokumento at apat ang nag withdraw ng kanilang request.

Inamyendahan na rin ng Napolcom ang education assistance program kung saan pinapayagan na ring bigyan ng benepisyo ang mga illegitimate na anak.

Bukod sa 4 years course sa kolehiyo ay kasama rin sa educational program ang mga vocational scholarship tulad ng Tesda short term course at amounts of assistance.

Ang mga beneficiaries ng SAF 44 ay makatatanggap taon taon ng P10 libo sa kindergarten, P18 libo sa elementary at P24 libo sa high school.

Habang per semester ay P18 libo sa vocational at P30 libo sa kolehiyo

Sa kasalukuyan nakatanggap na ang mga kaanak ng SAF 44 nang nasa kabuuang P68,566,524.88 na benepisyo at P1,016,995.70 na pension at P35,367,333 na donasyon mula sa Senate of the Philippines, Congress, Local Government Units (LGU’s), PNP, ibang government agencies at private donors tulad ng UNTV.

Hindi pa kasama sa nasabing halaga ang direktang ibinigay ng mga private donor sa mga kaanak ng SAF 44.(Lea Ylagan / UNTV News)

Tags: ,