BBL Substitute Bill, pag-aaralan mabuti bago aprubahan ng Senado

by Radyo La Verdad | June 4, 2015 (Thursday) | 1191

SEN.BONGBONG-MARCOS
Nagbabalakangkas ng Substitute Bill o bagong bersyon ng Bangsamoro Basic Law ang Senate Committee on Local Government.

Ito ay dahil sa maraming silang nakitang problema sa draft BBL.

Ayon kay Committee on Local Government Chairman Sen. Ferdinand Marcos Jr., ang mga amendment ay magmumula sa kanilang mga nakalap na impormasyon sa mga isinagawang pagdinig para sa BBL.

Hindi rin sinusuportahan ng Senador ang kasalukuyang bersyon ng panukalang batas.

Inihalimbawa nito ang ilang constitutional issues tulad ng pagbuo ng Constitutional bodies, Bangsamoro police, Armed Forces, Opt in provision at taxation.

Nirerespeto naman ni Senate President Franklin Drilon ang privilege speech ni Marcos kahapon na tumututol sa kasalukuyang porma o bersyon ng BBL.(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: ,