BBL, hindi nilalabag ang Saligang Batas – National Peace Council

by dennis | April 27, 2015 (Monday) | 1393

hearing-on-bbl-3

Isinumite na ng National Peace Council ang kanilang report sa Ad Hoc Committee on the Bangsamoro Basic Law (BBL) kaninang umaga sa huling araw ng pagdinig nito sa Kamara.

Kabilang sa mga miyembro ng Peace Council na nasa pagdinig ngayon ay sina dating Chief Justice Hilario Davide, Bai Rohaniza Sumndad-Usman, Atty. Christian Monsod at Wilfrido Villacorta na mga miyembro ng 1986 Constitutional Commission, Joel Tabora SJ, bilang kinatawan ni Luis Antonio Cardinal Tagle, at Ambassador Howard Dee.

Batay sa report ng Peace Council, walang nilabag na probisyon sa Saligang Batas ang proposed Bangsamoro Basic Law.

Anila, may itinakda na koordinasyon ang Bangsamoro government sa ibang ahensya ng gobyerno alinsunod sa itinakda ng Konstitusyon, maging ang pagdaos ng plebisito, na isa rin sa requirement ng Saligang Batas

Batay pa sa report ng Peace Council, ang pagtukoy sa ‘Bangsamoro people’ ay hindi umano pagtatatag ng panibagong nationality kundi isa lamang itong ‘identity’ ng mga taong nakatira sa Bangsamoro area.

Ayon pa sa report, ang BBL ay hindi lamang paggawad ng otonomiya sa Bangsamoro kundi isa itong instrumento para makamit ang hustisyang panlipunan at kaunlaran sa rehiyon.(UNTV Radio)

Tags: , , ,