Baygong Ester, palabas na ng Philippine area of responsibility

by Radyo La Verdad | June 15, 2018 (Friday) | 2727

Lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Ester mamayang gabi.

Huli itong namataan ng PAGASA kaninang alas dyes ng umaga sa layong 280-kilometers sa north northwest ng Basco, Batanes.

Nananalasa ito sa Taiwan taglay ang lakas ng hangin na 60-kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 100-kilometers per hour.

Pinalalakas ni Ester ang habagat na siya namang nagpapaulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Bataan, Zambales at Pangasinan.

Posible pa rin itong magdulot ng mga pagbaha at landslide sa mga nabanggit na lugar.

Patuloy na hahatakin ng bagyo ang habagat habang papunta ito ng Japan kaya’t inaasahang maulan pa rin sa ilang bahagi ng Luzon sa weekend lalo na ang Batanes Group of Islands.

Pinag-iingat pa rin ang mga maliliit na sasakyang pandagat dahil sa taas ng mga pag-alon sa mga baybayin ng Northern Luzon.

 

Tags: , ,