Bayanihan ng mga accommodation establishment kontra COVID-19, hinangaan ng DOT

by Radyo La Verdad | April 20, 2021 (Tuesday) | 3842

METRO MANILA – Nagpapasalamat ang Department of Tourism (DOT) sa patuloy na suporta ng hotel industry sa bansa sa pamamagitan ng pag-repurpose ng mga establisyimento nito upang maging isolation and quarantine facilities.

Sa kasalukuyan, mayroong 21 hotels sa National Capital Region (NCR) at Region IV-A (CALABARZON) na naglaan ng 2, 222 na mga kwarto upang maging isolation facilities. Mayroon ding 184 na mga kwarto ang naka-stand by sa Quezon City sa ilalim ng Oplan Kalinga Secretariat.

Nagsisilbing temporary shelters ang mga facilities na ito ng mga medical frontliners, Business Processing Outsource (BPO) employees, mga na-stranded na manlalakbay, Returning Overseas Filipino Workers (OFWs), Overseas Filipinos (ROFs), at pati mga foreign nationals na pinayagang makapasok sa bansa.

Sa pamamagitan din ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nakapaglaan ng 29, 153 na mga kwarto sa 131 accommodation establishment (AE) sa NCR at CALABARZON region samantalang 7,687 na mga kwarto sa 48 AEs sa NCR ang nai-produce mula sa mga non-OWWA groups.

“Pinapatnubayan tayo ng diwa ng Bayanihan upang kasama ng mga pribado at pampublikong sektor ay mapagtulung-tulungan natin mabawasan ang epekto ng pandemyang ito,” ani DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Ibinalita rin ni Puyat na magkakaroon ng temporary vaccination site sa Nayong Pilipino at 500 temporary mobile hospital beds sa Rizal Park kasama na ang temporary drive-thru vaccination site sa Quirino Grandstand.

(Beth Pilares | La Verdad Correspondent)

Tags: ,