Bawas-presyo sa LPG, inaasahan sa pagpasok ng Disyembre

by Jeck Deocampo | November 30, 2018 (Friday) | 3532

 

Hindi bababa sa ₱5/kg ang inaasahang bawas presyo sa kada 11 kilo na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) bukas, ika-1 ng Disyembre.

 

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang price rollback ay dahil sa mataas na supply ng crude oil. Ang LPG ay by-product ng crude gaya ng produktong petrolyo kung kaya’t bumababa rin ang presyo nito.

 

Isa pa sa mga posibleng dahilan ay ang maiksing winter season sa ibang bansa kung kaya’t hindi masyadong nagamit ang mga LPG.

 

“Yung short winter season (ay) unlike dati na mahaba-haba. Ang LPG ay heating fuel so komo short ang winter season, hindi ganun kataas ang demand,” ani Assistant Director Del Romero ng Oil Industry Management Bureau (OIMB).

 

Ayon sa DOE,  posible na mas tumaas pa ang bawas-presyo dahil ikalimang araw pa lamang ng trading day  at may natitira pang isang araw bago ang December 1.

Tags: ,