Batayan sa paglago ng ekonomiya ng bansa, facts at ‘di persepsyon o impresyon- Budget Sec. Diokno

by Radyo La Verdad | June 28, 2018 (Thursday) | 8123

Hindi alam ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang dahilan sa nakalipas na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa doldrums o ilalim ng krisis ang ekonomiya ng Pilipinas.

Isa si Diokno sa mga economic manager ng Duterte administration.

Subalit, kung siya ang tatanungin nananatiling mataas ang tiwala ng mga foreign investors sa Pilipinas.

Kaya ang kaniyang paniniwala, hindi naaapektuhan ng mga political statement ang mga foreign investor dahil ang batayan ng mga ito aniya ay katotohanan hinggil sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Sa nakalipas na buwan ng Mayo, tumaas pa ng 12 porsyento ang paggastos ng pamahalaan at naitala ang 292 bilyong piso na government spending para sa mga imprastraktura at personnel services tulad ng midyear bonus para sa mga government employees at mas mataas na sahod para sa mga militar at uniformed personnel.

Ayon naman kay Finance Assistant Secretary Antonio Lambino, ilan sa mga binibigyang konsiderasyon ng investors ay ang tax rate, imprastraktura at anti-corruption measures ng isang bansa.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,