Nilagdaan na ni Pangulong Aquino bilang ganap na batas ang Republic Act 10665 o ang batas na magpapahintulot sa mga kabataan na maipagpatuloy ang secondary education sa kabila ng mga balakid sa kanilang pagpasok sa eskuwela.
Sa naturang batas, magiging bahagi na ito ng alternative secondary education program ng Department of Education.
Dahil dito, papayagan na ang mga pampublikong secondary educational institution o mataas na paaralan na maisagawa ang pagtuturo sa pamamagitan ng self instructional materials, multi channel learning at school family community partnership.
Ang Open High School System ay bukas sa lahat ng kabataang nakapagtapos sa elementarya, mga matatanda at ang mga nakapasa sa Philippine Educational Placement Test at ng Alternative Learning Systen Accreditation and Equivalency Test.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)