Nilagdaan na ni Pangulong Aquino ang Republic Act 10660 or an Act Strengthening Further for Functional and Structural Organization of the Sandiganbayan na naglalayong mapabilis ang paglilitis ng mga kaso na hawak nito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dalawang karagdagang dibisyon.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, makakatulong ang karagdagang dibisyon na mapagaan ang trabaho ng mga justices sa mga dinidinig na kaso.
Ang Sandiganbayan ay magkakaroon na ng pitong dibisyon mula sa dating lima. Binubuo ang bawat dibisyon ng 3 justices.
Bukod sa karagdagang dibisyon, pinapayagan na rin ng naturang batas na sa halip na tatlo ay dalawa na lamang na Justices ang obligadong magsagawa ng Quorum.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)