Batas para maging permanente na ang 4Ps, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

by Erika Endraca | May 24, 2019 (Friday) | 14433

Manila, Philippines – Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act Number 11310 upang maging tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o mas kilala sa tawag na 4Ps.

Layon ng batas na gawing regular na gampanin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 4Ps at magkaroon na nang taunang budget allocation para rito.

Ang 4Ps ay nagkakaloob ng cash grants sa mahihirap na pamilyang pilipino upang isulong ang kanilang kalusugan, nutrisyon at edukasyon sa ilalim ng ilang kondisyon.

Ayon naman sa Malacañang, ngayong batas na ang 4Ps, di na ito magagamit sa pamumulitika.

“It means na the president believes that this program is a very good program, for those who are poor. Kaya ginawa na niyang batas dahil depende sa administrasyon” ani Presidential Spokepserson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

Tags: , ,