Pasado na sa Bicameral Conference Committee ang House Bill 4730 at Senate Bill 1618 na magpaparusa sa mga hindi nagbibigay ng sukli.
Sa naturang panukala, pagmumultahin ang mga lalabag ng hanggang P25,000 o kaya 3% ng kanilang gross sales at mayroon pang kaakibat na suspensyon o kaya pagbawi sa kanilang lisensya sa pagnenegosyo kapag paulit-ulit na lumabag ang mga ito sa batas.
Nakatakdang isalang sa ratipikasyon ang nasabing panukala pagbalik ng mga mambabatas sa kanilang trabaho sa Mayo 23, para mapirmahan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III bago ito bumaba sa pwesto.
Tags: House Bill 4730, Senate Bill 1618