Ipinaliwanag ng Department of the Interior and Local Government sa Senado ang kanilang memorandum circular kaugnay ng 60-day clearing operations sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Dumalo sa pagdinig si Manila Mayor Isko Moreno na gumagawa ng paglilinis sa mga kalsadaa. Ayon sa Alcalde, dapat magkaroon ng isang batas o amiyenda sa umiiral na batas tungkol sa mga barangay officials at pulis na magpapabaya sa kautusan na ito. Bagay na sinusuportahan ng DILG.
“Dapat magkaroon ng basic law, I don’t know, kapag merong ganun, automatic administrative liable ang Barangay Chairman, lespu, automatic because if you are going to order them what will happen next is cat and mouse totolengesin ka lang ng mga tao sa kalye,” ani Manila Mayor Isko Moreno.
“I would like to express my support to the position of Mayor Isko Moreno, kung lahat po ng mayoe ay katulad ni Mayor Isko Moreno ay baka mababawasan o wala na tayong problema sa buong Pilipinas,” sinabi ni Sec. Eduardo Año, Department of the Interior and Local Government.
Ayon pa kay Año, hindi naman natatapos sa 60-day period ang trabaho sa paglilinis sa kalsada dahil kailangang i-maintain ito ng mga local government officials.
Maging ang Philippine National Police ay nagpahayag rin ng suporta sa hakbang na ito ng DILG
(Nel Maribojoc |UNTV News)
Tags: 60-day clearing operations, DILG, Isko Moreno, Sec. Eduardo Año