Batas na lilikha ng Department of Human Settlements and Urban Development, nilagdaan ni Pang. Duterte

by Radyo La Verdad | February 19, 2019 (Tuesday) | 3186

MALACAÑANG, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act number 11201 o ang batas na lilikha sa Department of Human Settlements and Urban Development.

Pagsasamahin nito ang Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC at Housing and Land Use Regulatory Board o HLURB.

Ang bagong kagawaran ang magsisilbing national government entitiy na responsable sa pangangasiwa ng housing, human settlement at urban development.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,

Pres. Duterte, ikukonsidera ang mga suhestyon at komentaryo kaugnay ng VP nomination

by Erika Endraca | June 9, 2021 (Wednesday) | 8090

METRO MANILA- Tikom ang bibig ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pang-uudyok sa kaniya ng PDP-Laban na tumakbong vice president sa paparating na halalan.

Subalit umani na ito ng reaksyon kahit sa kaniyang mga kaalyado.

Ayon sa Malacanang, open si Pangulong Duterte sa lahat ng komento at suhestyon lalo na’t pinag-iisipan pa nito ang desisyon.

Ayon kay dating House Speaker, Taguig-Pateros Representative Alabn Pater Cayetano, baka tamaan ang legacy ng presidente kung tatakbo itong pangalawang pangulo.

“I’m sure the president will listen to all these well-meaning remarks particularly galing po kay dating speaker Alan Peter Cayetano na naging running mate niya noong 2016. Wala pa naman pong desisyon kasi si Presidente Duterte, so, lahat po ng gustong magmungkahi, magbigay ng suhestiyon, welcome naman po sila dahil nasa proseso pa lang ng pagdedesisyon ang ating presidente.” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

Samantala, wala pa ring desisyon ang tagapagsalita ng presidente kung tatakbo para sa isang national position sa 2022.

Aminado ang kalihim, pino-problema nito ang pondo sakaling magdesisyong tumakbo sa senado.

“So I continue to ponder and pray and although this I will say, gustuhin man po natin dahil mayroon tayong unfinished agenda noong tayo po ay naging congressman nang 17th congress, ang tanong po natin iyong pondo. Kasi sa panahon ng covid, napakahirap po talagang mag-raise ng pondo at kinakailangan ng napakalaking halaga para makatakbo at manalo sa senado.” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

Dati nang binalak ng opisyal na tumakbo sa pagka-senador para sa 2019 mid-term elections subalit umatras ito dahil sa health reasons.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,

Pangulong Duterte, posibleng direktang pangasiwaan ang PNP habang di pa nakakapili ng susunod na PNP Chief

by Erika Endraca | November 29, 2019 (Friday) | 58143

METRO MANILA – Wala pa ring napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na hahalisi sa naiwang pwesto ni Dating Philippine National Police Chief Retired General Oscar Albayalde.

Ayon sa Pangulo, masusi niyang sinusuri kung sino ang susunod na karapat-dapat na mamuno sa pambansang pulisya.

Posible rin aniya siya na lang ang direktang mangasiwa sa Philippine National Police (PNP) kung wala talaga siyang makikitang katiwa-tiwala at walang bahid ng korupsyon.

“Ang akin, if they have even a single case of corruption, wala na, you’re out. I would rather not appoint anybody for that matter, ako na ang hahawak noon, I will be the one directing the guidance and direction lang naman ako”ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang sinabi ng Pangulo na mag-iingat siya sa pagpili ng susunod na hepe ng PNP.

Ito ay matapos na malagay sa kontrobersya ang kredibilidad ni Albayalde at iugnay sa operasyon ng mga tinatawag na ninja cop o mga tiwalang pulis, dahilan upang magbitiw ito sa pwesto bilang PNP Chief nang wala sa panahon. Dagdag pa ng Presidente, napakaraming dapat na i-improve sa PNP.

“But verily itong pulis maraming problema, pati generals nila kasali sa droga, yan ang ayaw ko diyan, pati generals, di lumabas yan hanggang di ako naging presidente” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,

Tiwala sa Pangulo, nabawasan dahil sa mataas na presyo ng bilihin at Pro-China Stance – Makabayan Bloc

by Erika Endraca | October 8, 2019 (Tuesday) | 29481
PHOTO : Presidential Photo

MANILA, Philippines – Mataas na presyo ng bilihin umano at ang Pro-China Stance ng Pangulo ang 2 pinaka dahilan ng pagbaba ng trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa mga mambabatas na kasapi sa Makabayan Bloc sa Kamara, nakatakda na umanong mangyari ito dahil sa epekto ng Train Law sa mga bilihin at ng Rice Tariffication Law sa mga magsasaka.

Gayun din ang sa epekto ng African Swine Fever sa Hog Industry,matinding trapiko sa Metro Manila at ang patuloy na pagyapak ng bansang china sa ating kalayaan at karapatan.

Nakaapekto rin umano ang issue hinggil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA), Ninja Cops at iba pang korupsyon na kinakasangkutan ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, sakaling hindi masolusyunan ang mga nabanggit na problema, posibleng bababa pa ang trust rating ng Pangulo.

Sa kabila nito, nananatili namang may pinakamataas na approval at trust rating ang Pangulo sa lahat ng mga public officials sa bansa batay din sa Pulse Asia Survey.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: , ,

More News