METRO MANILA – Naniniwala si Lanao Del Sur first district Representative Zia Alonto Adiong na hindi nararapat ibalik ang batas militar o martial law sa Marawi City dahil lilikha lamang umano ito ng matinding pangamba sa publiko .
Kasunod ito nang nangyaring pagsabog ng bomba sa loob ng gymnasium ng Mindanao State University (MSU) nitong Linggo, December 3 na ikinamatay ng 4 na tao at nag-iwan ng maraming sugatan.
Aniya, mas mainam kung kukunin ang suporta ng publiko sa pagpapanatili ng seguridad sa Marawi.
Giit naman ng kapwa nito mambabatas na si Basilan Representative Mujiv Hataman, malaki ang kaugnayan ng development at rehabilitasyon ng Marawi sa pagpapanatili ng seguridad sa lungsod.
Naniniwala ang mambabatas na malaking bagay ang kaunlaran sa Marawi upang mapanatili ang seguridad doon.
Aniya batay sa karanasan nila sa basilan, pag-developed ang isang lugar, mapipigilan ang recruitment ng mga terorista.
Tags: Marawi Bombing, MSU