Bataraza, kabilang sa election watch-list areas dahil sa election-related crimes

by Radyo La Verdad | April 6, 2016 (Wednesday) | 1383

andy_police
Sa kaparehong panahon noong 2013, may naitala ring shooting incident at pananambang sa Bataraza na kinasasangkutan ng mga supporter ng mga kandidato.

Inihayag rin ng Palawan police na nagpakalat na sila ng tauhan dahil sa natanggap na impormasyon hinggil sa namataang 20 armadong lalaki sa bayan.

Mas hinigpitan na rin nila ang pagsasagawa ng checkpoint upang agad maharang ang sinumang nagbabalak maghasik ng karahasan lalo na sa papalapit na halalan.

Nanawagan rin ang PNP sa publiko na maging alerto at makipag-tulungan sa mga otoridad upang maseguro ang tahimik at ligtas na pagdaros ng eleksyon sa Mayo a-nueve.

(Andy Pagayona / UNTV Correspondent)

Tags: , ,