Batangas Province, inirekomendang isailalim sa election areas of concern

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 843

SHERWIN_CALABARZON-POLICE
Isinusulong ng CALABARZON Regional Police Office na mailagay sa ilalim ng election areas of concern ang probinsya ng Batangas.

Ayon kay PRO4A OIC Chief Supt. Ronald santos, mayroong presensiya ng mga armadong grupo sa lalawigan bukod pa sa mahigpit na labanan ng mga magkakatunggali sa pulitika.

Bilang bahagi ng ipatutupad na seguridad sa halalan, ipapakalat na rin ng CALABARZON Police ang halos limandaan nilang police trainee sa rehiyon.

Idi-destino ang mga ito sa iba’t ibang lugar sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon upang tumulong sa pagpapatupad ng mapayapa at maayos na eleksyon sa darating na Lunes.

Karagdagang pwersa ito ng pnp sa mahigit walong libong pulis na itatalaga naman sa paghahatid ng Vote Counting Machines sa mga presinto simula ngayong araw;

Babantayaran rin nila ang mga VCM hanggang sa matapos ang halalan.

Muli namang pinaalalahanan ang mga pulis na huwag pumanig sa kaninomangpulitiko bilang pagtupad sa kanilang nilagdaang oath of non-partisanship kaugnay ng halalan.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)