Batangas, nagdeklara na ng state of calamity

by Radyo La Verdad | April 5, 2017 (Wednesday) | 1249

Photo credit: Taal PNP

Nagdeklara na ng state of calamity ang provincial government ng Batangas kasunod ng lindol kagabi.

Ayon kay Batangas Governor Hermilando Mandanas, ang deklarasyon ay dulot ng laki ng pinsala mula sa pagyanig.

Kabilang sa lubhang nasira dahil sa lindol ay ang gusali Batangas Provincial Capitol.

Aniya, tinatayang aabot sa labingwalong milyong piso ang halaga ng pinsala nito.

Tags: ,