Pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibilidad ng pag-ooperate ng Bataan Nuclear Power Plant upang maging karagdagang source ng kuryente sa bansa.
Kahapon, nagsagawa ng preliminary assessment ang Department of Energy kasama ang ilang eksperto mula sa bansang Russia at Slovenia sa Bataan Nuclear Power Plant para sa prefeasibility study. Pag-aaralan ng mga eskperto ang tungkol dito sa loob ng dalawang buwan.
Pangungunahan ito ng Rosatom State Atomic Energy Corp., ang regulatory body ng Russian Nuclear Complex. Libre itong isasagawa bilang bahagi ng kasunduan ng Pilipinas at Russia.
Kung sakaling marehabilitate, ito ay mas bababa ng dalawangpung sentimo kada kilowatt hour ang singil sa kuryente na ipo-produce sa planta.
Mahigit tatlumpung taon na ang nakalilipas mula nang itayo ang BNPP ngunit hindi ito natapos matapos ang Chernobyl Nuclear Disaster noong 1986. Umabot sa halos dalawang bilyong dolyar ang nagastos sa pagtatayo ng power plant noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
(Leslie Huidem / UNTV Correspondent)
Tags: Bataan Nuclear Power Plant, Russia, Slovenia