Posibleng ideklara na sa mga susunod na araw ang Bataan bilang kauna-unahang drug-free province sa bansa.
Ito ay matapos sertipikahan ng 237 chairmen ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC Council ang katibayang nasugpo na ang iligal na droga sa lalawigan.
Ipadadala naman ang manifesto sa Malakanyang kapag napirmahan na ng gobernardor ng lalawigan, Police Regional Office 3 Director at PDEA Central Luzon.
Inaasahan namang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pormal na pagdideklara sa Bataan bilang drug-free province.