Itinanggi ng presidente ng kumpanyang nag-aangkat ng mga basura sa Korea na hospital waste ang shipment na dumating sa bansa noong ika-24 ng Hunyo.
Ayon kay Ginoong Niel Alburo ng Verde Soko II Industrial Corporation, walang hazardous materials ang natural mga plastic trash.
Recyclable aniya ang mga ito at may mga ilan na nahalo gaya ng kahoy at mga plastic pipes.
Ayon naman sa Bureau of Customs Cagayan de Oro, kulang ng import clearance ang dokumento nito at hindi purely synthetic plastic flakes ang nakapaloob sa naturang shipment.
Ayon kay Atty. Pague, Deputy Collector for Administration ng BOC Region 10, wala silang nakitang mga baterya o anomang bagay na delikado sa kalusugan tulad ng unang napabalita na may hospital waste na nakita sa tambakan nito.
Nakahanda naman umanong makipagtulungan ng pamunuan ng Verde Soko sa pamahalaan para maresolba ang naturang isyu.
( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )
Tags: basura, Korea, toxic substance