Basic services at facilities ng National Government, hahawakan na ng LGUs

by Erika Endraca | June 9, 2021 (Wednesday) | 4031

METRO MANILA – Magsisimula na sa susunod na taon ang pamamahala ng Local Government Units (LGUs) sa mga basic services at facilities ng National Government alinsunod sa Executive Order (EO) No. 138 na pinirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakasailalim sa EO na lahat ng koleksyon ng national taxes liban sa mga special purpose funds ay
hahatiin at ipagkakaloob sa kinakailangang pondo ng bawat LGUs.

Ayon naman kay DILG Secretary Eduardo M. Año, malaki ang maitutulong nito sa mga LGUs lalo na sa paghawak ng mas malalaking proyekto sa hinaharap.

“Dahil sa full devolution, ‘Aangat ang Lakas ng Lokal’ sa tulong ng ‘Dagdag na Pondo’ na magdudulot ng ‘Angat Serbisyo’ para sa mga mamamayan,” ani DILG Secretary Eduardo Año.

Dagdag pa ng kalihim, ang pag-apruba sa E0 138 ay isang hakbang upang mas mapatatag ng mga LGUs ang kanilang nasasakupan dahil sa kaukulang mapagkukunan ng pondo na ipinagkaloob sa kanila.

(Kyle Nowel Ballad| La Verdad Correspondent)

Tags: