Sa kuha sa isang litrato makikitang nagkalapit ang barko ng Philippine Coastguard at ang mas malaking barko ng Chinese Coastguard sa isang bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon sa PCG nangyari ang insidente ilang linggo lang ang nakalipas 70 to 100 nautical miles ang layo sa Subic.
Walang komprontasyon na nangyari sa paghaharap na ito.
Nagpapatrolya sa lugar ang PCG nang dumaan ang barko ng China.
Matatandaang sa ilang pagkakataon ay itinataboy ng Chinese Coastguard ang mga mangingisdang Pilipino sa disputed waters.
Tiniyak naman ng coastguard na inaasistehan nila ang mga mangingisdang Pilipino na nasa West Philippine Sea.
Ayon Philippine Coastguard Commandant Radm. William Melad, kasunod ng naging desisyon ng Arbitral Tribunal nabigyang linaw na saklaw ng ating exclusive economic zone ang pinagtatalunang lugar kaya hindi dapat pagbawalan ang mga mangingisdang Pilipino dito.
(Victor Cosare/UNTV Radio)
Tags: Barko
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com