Baril ng mga kawani ng PNP-Calabarzon at BJMP-Bataan, ininspeksyon muna bago inalisan ng selyo

by Radyo La Verdad | January 5, 2016 (Tuesday) | 3457

Regional-Director-for-Operation-Police-Senior-Superintendent-Romulo-Sapitula
Sinimulan nang alisin ng mga kawani ng Philippine National Police ang selyo sa kanilang mga baril ngayong lunes.

Bago sumapit ang holiday season, nilagyan ng tape ang muzzle ng mga baril ng pulis upang maiwasan ang illegal discharge of firearms.

Sa Camp Vicente Lim naman, pinangunahan ni Regional Director for Operation Police Senior Superintendent Romulo Sapitula ang inspeksyon sa mga baril ng Calabarzon Police upang malaman kung may nagpaputok sa mga ito sa nakalipas na holiday season.

Bago alisin ang selyo ng mga baril na may pirma, sinuri muna itong mabuti upang matiyak na hindi inalis at ibinalik matapos gamitin, o di kaya’y pinalitan.

Nagsagawa rin ng muzzle unsealing sa mga service firearms ang Bureau of Jail Management and Penology sa Bataan.

Tiniyak ng pamunuan ng BJMP na walang ni isa man sa kanilang tauhan ang nagpaputok ng baril sa nakalipas na pagpapalit ng taon.

(Sherwin Culubong/UNTV News)

Tags: , ,