Matapos ang ilang beses na pagkakaudlot ng barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections sa bansa, tuloy na ito sa May 14 ayon sa Department of Interior and Local Government at Commission on Elections.
Ayon sa COMELEC, huwag ng magtaka ang mga botante kung makakita ng balota na may nakalagay na petsa na October 2017.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, gagamitin pa rin ang mga balotang nainimprenta noong nakaraang taon para sana sa naunang itinakdang petsa ng halalan.
Samantala, inilunsad naman ng DILG ang “matino, mahusay at maasahang barangay at SK officials“ campaign. Layunin nito na hikayatin ang mga botante na pumili ng tamang kandidato na iboboto.
Ang filing of candidacy ay sa April 14 hanggang April 20. Ang election period naman ay mula April 14 hanggang May 21 at ang campaign period ay sa May 4 hanggang May 12.
( Rajel Adora / UNTV Correspondent )
Tags: Barangay and SK elections, COMELEC, DILG
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com