Barangay at SK elections, pinaghahandaan ng COMELEC

by Radyo La Verdad | June 20, 2016 (Monday) | 1409

COMELEC-CHAIRMAN-ANDRES-BAUTISTA
Hangga’t walang naipapasang batas ang Kongreso, tuloy pa rin ang barangay elections sa Oktubre.

Kaya ang Commission on Elections o COMELEC walang ibang opsyon kundi maghanda para dito.

Subalit isa sa hamong kinakaharap ng poll body ay ang hindi pa matapos tapos na problemang naiwan ng katatapos lang na national elections.

Una nang binanggit ni COMELEC Chairman Andres Bautista na pabor siyang i-postpone na lang muna ang barangay elections.

Kabilang din sa nireresolba ngayon ng COMELEC ang mga komplikasyon sa pagpapatupad ng sk polls na isasabay din sa barangay elections

Hindi gaya dati na wala pang 18 taong gulang ang kabilang sa SK, ngayon pasok na rin sa regular voters ang age group ng mga kabilang sa Sangguniang Kabataan.

Sa ngayon wala pang inilalabas na detalye ang COMELEC kaugnay sa isasagawang halalan sa halalan sa Oktubre.

(Jerico Albano/UNTV RADIO)

Tags: ,