Barangay at Sangguniang Kabataan election postponement bill, pasado na sa Kamara

by Radyo La Verdad | September 12, 2017 (Tuesday) | 1694

 

Sa botong 212 at 10 lusot na sa Kamara ang House Bill no. 6308 o ang pagpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa bersyon ng Kamara, nais nilang ipagpaliban ang eleksyon sa May 2018 habang ang mga kasalukuyang opisyal ng barangay ay mananatili parin sa kanilang posisyon.

Nangangamba naman ang Makabayan congressmen sa posibleng mag resulta ito ng mas maraming pang election postponement, habang tutol naman ang grupo ng mga kabataan sa desisyong ito.

Pasado na sa kumite ng senado ang kanilang bersyon kung saan nais naman nilang ipagpaliban ang eleksyon sa October 2018.

Target ng kongreso na malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas sa pagpapaliban ng barangay at SK election bago matapos ang buwan ng Setyembre.

 

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,