Barangay sa Quezon City, nagpositibo sa ASF virus

by Erika Endraca | November 8, 2019 (Friday) | 10524

METRO MANILA – Nagpositibo sa African Swine Fever ASF virus ang halos 200 mga baboy sa Barangay UP Campus at 15 naman sa Sta Monica sa Novaliches.

Magsasagawa anila sila ng culling operation sa mga baboy sa lugar upang hindi na kumalat pa ang virus. Habang kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng culling operation sa barangay Payatas na nauna ng nagpositibo ang ASF.

Samantala gagamitin na ng pamahalaan ang natitirang P1-B contingent fund ng Office of the President para bigyan ng ayuda ang mga hog raiser na apektado ng  ASF.

“It is necessary because we need funds to help in the in the drive.  We need to help the hog raisers.” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel  Secretary Salvador Panelo.

Bilyong-bilyong pisong halaga na ang nalulugi sa hog industry sa bansa at nasa  70,000 baboy na rin ang pinapatay dahil sa ASF simula pa noong Agosto.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: