Barangay official ng barangay 412 sa Sampaloc Manila, naalarma na sa mga gang war sa kanilang lugar

by Radyo La Verdad | October 27, 2015 (Tuesday) | 2083

BENEDICT_GANG-WAR
Sabado ng madaling araw ng makuhanan ng closed circuit television camera ng barangay 412 sa Sampaloc,Manila ang grupo ng kabataan na naglalakad hawak ang ibat ibang bagay gaya ng bote at bato.

Ayon sa opisyal ng barangay, target ng grupo ang isa pang grupo ng mga kabataan para gumanti dahil sa pambabato umano sa dalawa nilang kasamahan.

Makalipas ang ilang minuto, makikita sa kuha ng camera ang takbuhan, habulan at batuhan ng magkabilang grupo.

Ito na umano ang pinakamalalang away kabataan sa kanilang lugar dahil isang katorse anyos ang nagagaw buhay sa ospital matapos pagsasaksakin.
Ilan sa mga sangkot sa rambol ang hinuli at ikinulong matapos makilala sa kuha ng cctv.

Patuloy man ang pagpapatupad ng curfew mula alas dies ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw, subalit karamihan sa mga sangkot sa gang war ay mga nasa wastong gulang na at may pailan ilan na nahahalong menor de edad na siya namang patuloy nilang binabantayan

Hiniling ng punong barangay ang tulong ng mga magulang upang gabayan ang kanikanilang mga anak sa wastong landas.

Plano nila ngayon na magdagdag pa ng mga cctv camera sa kanilang nasasakupan upang mas mamonitor nila ang galaw ng mga kabataan na palaging nasasangkot sa gang war.(Benedict Galazan/UNTV Correspondent)

Tags: , , ,