Barangay at Sangguniang Kabataan elections, tagumpay ayon sa Comelec

by Radyo La Verdad | May 16, 2018 (Wednesday) | 6662

Pitumpu’t-siyam na barangay na lang ang hindi pa natatapos ang proklamasyon ng mga nanalo sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), pangunahing dahilan ng pagkaantala nito ay ang malaking bilang ng botante nito partikular sa Metro Manila.

Sa kabila nito, nagpapasalamat ang Comelec sa mga ahensya ng pamahalaan partikular na sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pagtiyak na matagumpay na maidaraos ang eleksyon.

Kumpara sa 130 failures sa nakaraang barangay election, 100% na no failure of elections ngayong taon.

Nagpaalala naman ang National Youth Commission (NYC) sa mga nanalong Sangguniang Kabataan officials na hindi makakaupo ang mga ito sa pwesto hangga’t hindi sumasailalim sa mandatory training.

Kailangan nitong mag-report sa Department of the Interior and Local Government ( DILG) sa kanilang bayan para sa schedule.

Samantala, kinumpirma naman ng Department of Education (DepEd) na nai-release na ang lahat ng cash cards ng mga guro na nagsilbi bilang board of election tellers.

Inaasahan ng Comelec na ngayong araw ay makakapagdeklara na lahat ng mga barangay sa bansa ng mga nanalong kandidato sa kanilang mga lugar.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

Tags: , ,