Ang Baluarte Elemtary School sa Iloilo City ang pinakamalaking voting area sa buong lungsod. Mayroon itong 49 clustered precincts para sa 9 na barangay ng Molo District, Iloilo City.
Alas 5 ng umaga ay bukas na sa publiko ang gate ng eskwelahan ngunit nagsimula lamang na dumami ang mga tao bandang alas 7 na ng umaga.
Sa kasalukuyan ay maayos pa rin ang sitwasyon dito sa Baluarte Elementary School.
May iba na medyo nahirapan sa paghahanap ng kanilang voting precinct dahil sa dami ng sakop ng voting area na ito.
Ang Iloilo City ay may 274,789 voters para sa barangay election, habang 87,003 naman ang naka rehistro upang bomoto SK election.
Meron itong 840 clustered precincts at 62 voting centers sa buong lungsod.
Apat na barangay naman ang nailagay sa election hotspots dito sa Iloilo City kabilang na ang Barangay Seminary Burgos at Dungon B ng Jaro District, Barangay Taal sa Molo District at Barangay Quezon naman sa Arevalo District.
Umaasa naman ang Commission on Elections Officer Attorney Reinier Layson ng Iloilo City na magiging mataas ang voting turn-out ng lungsod katulad din nung mga nakaraang eleksyon.
( Vincent Arboleda / UNTV Correspondent )
Tags: COMELEC, Iloilo City, voting turn out