Napaiyak si U.S. President Barack Obama sa gitna ng panawagan ng pagkakaroon ng “National Urgency” para mapigilan ang gun violence sa Amerika.
Kaugnay ito ng paglulunsad ni obama ng mga bagong hakbang gamit ang kanyang executive powers para higpitan ang pagbebenta ng baril sa Amerika.
Nakapaloob sa ilalabas na executive order ni Obama ang mas pinalawak na background check sa mga bibili ng baril at paghihigpit sa pagbibigay ng lisensya sa mga gun sellers.
Binatikos rin ni Obama ang republicans na komokontra sa panukala at kabiguang magpasa ng batas sa Kongreso para sa mas mahigpit na gun law.
Panawagan ni Obama sa mga mamamayan na iboto sa nalalapit na halalan ang mga kandidato na gumagawa ng aksyon upang mabawasan ang gun violence sa bansa.
Tags: Barack Obama, gun violence, kanyang hakbang, naging emosyonal
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com