Banta ng terorismo at pagpapalakas ng AFP, tinalakay sa pulong ng mga mambabatas kay Pres. Duterte

by Radyo La Verdad | August 3, 2017 (Thursday) | 3852

Hinihingi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suporta ng mga mambabatas para sa kinakailangang pondo upang makapagrecruit ng karagdagang 20,000 mga  sundalo. Gayundin sa pagpapalakas pa ang kapabilidad ng Armed Forces of the Philippines.

Kabilang ito sa mga napag-usapan sa pakikipagpulong ni Pangulong Duterte sa mga mambabatas noong Martes sa Malakanyang. Ito ay dahil sa banta ng teroristang ISIS sa South East Asian Nations

Ayon kay Senate Majority Leader Senator Tito Sotto at Senator Panfilo Lacson, dapat na seryosohin ang mga naging pahayag ng pangulo.

Hindi naman idinetalye pa ng mga senador kung saang mga probinsya sa mindanao ang maaaring target ng mga terorista.

 

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,