Banta ng pambobomba mula sa grupong Abu Sayyaf, kinumpirma ng Zamboanga City Police

by Radyo La Verdad | December 29, 2015 (Tuesday) | 1236

DANTE_ZAMBO-THREAT
Kinumpirma ng Zamboanga City Police Office na patuloy itong nakakatanggap ng banta ng pambobomba mula sa grupong Abu Sayyaf.

Partikular umanong target ng ASG ang isa sa malalaking mall sa siyudad na pinupuntahan ng maraming tao na galing sa iba’t ibang probinsya tulad ng Basilan at Sulu.

Ayon sa Zamboanga Police, ganito din ang impormasyon na kanilang nakuha mula sa iba pang intelligent units sa lungsod.

Bunsod nito, naka-alerto ngayon ang buong pwersa ng Zamboanga City Police upang tiyakina ng seguridad sa syudad.

Naglagay na rin ng mga tauhan ng pulisya sa loob at labas ng mall para tumulong sa security personnel.

Payo naman ng pulisya sa pamunuan ng mga mall, higpitan pa ang seguridad partikular na sa kanilang basement o parking area upang maiwasan na mataniman ng improvised explosive devise.

Umapela naman sa publiko ang lokal na pamahalaan na maging alerto at mapagmatyag lalo na ngayong holiday season.

Agad na ireport ang sinoman o alinmang kahinahinalang kilos, gawain o mga baghe na makikita.

Nakipag-ugnayan na rin ang pamahalaang lokal sa karatig probinsya na basilan at sulu upang makakuha ng agarang impormasyon kaugnay sa posibleng pag-atake ng teroristang group.

Ang dalawang probinsya ay kilalang kuta o teritoryo ng asg at iba pang armadong grupo.

Magkatuwang ang PNP at AFP Western Mindanao command sa pangangalaga ng kaligtasan ng lahat residente at ng pupunta sa siyudad.

Sa kasalukuyan ay kasama pa rin ang Zamboanga City sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level three o high terrorism warning dahil sa banta ng ASG at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,