Banta ng impeachment case dahil sa ipatutupad na polisiya, binalewala ni Duterte

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 5302

pres-duterte
Hindi natatakot si incoming President Rodrigo Duterte na ma-impeach dahil sa mga polisiyang planong ipatupad ng kaniyang administrasyon.

“Because i was the person carrying the right message, corruption in government, criminality so tutuparin ko yan maski sagasaan ko maski sino and i stake my honor my life and the presidency itself even if i lose it. Pag sinabi kong huminto kayo huminto kayo, impeachment? go ahead! Walang problema sa akin, i will insist what i promise to the people.”
Pahayag ni Duterte.

Muling nanindigan si Duterte mahigpit na ipatutupad ang curfew para sa mga menor de edad, oras ng liquor ban at pagbuhay sa death penalty para sa mga karumaldumal na krimen.

Hindi aniya lubusang naipatupad ang parusang kamatayan bago ito ini-abolish kaya marami ang nagsasabing hindi ito epektibo sa pagsugpo sa krimen.

(UNTV RADIO)

Tags: ,