Banta na paghahain ng kaso laban kay Pangulong Aquino at DBM Sec. Abad, hindi ikinabahala ng Malakanyang

by Radyo La Verdad | May 16, 2016 (Monday) | 1212

jerico_coloma
Naghahanda na ang grupong bayan muna para sa ilang kasong isasampa laban kay pangulong benigno aquino the third at Department of Budget and Management secretary Florencio Butch Abad pagbaba ng mga ito sa pwesto sa June 30.

Ayon kay Bayan Muna representative Carlos Zarate, pinagaralan nilang mabuti ang bawat reklamo laban sa mga opisyal upang matiyak na ito ay magiging matibay na kaso.

Sa kabila nito naninindigan ang Malakanyang na walang basehan ang mga inihahandang kasong laban sa Pangulo at kay Abad.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, sa loob ng anim na taon, naglingkod ng tapat sa bayan si pangulong aquino at naaayon sa saligang batas ang mga naging hakbang nito.

Wala namang epekto kay DBM Secretary Abad ang mga banta na ito ng ilang grupo.

Ayon kay Abad, sa dami ng mga isinampang kaso laban sa kanila ay wala ng epekto sa kanila ang mga susunod pang kaso.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,