Nakiisa ang Embahada ng Pilipinas at ang Filipino Community sa Brasilia sa pagdiriwang ng Outubro Rosa sa Brazil.
Ang Outubro Rosa o Pink October ay obserbasyon ng Breast Cancer Awareness Month sa bansang ito.
Layunin nitong mabigyan ng malawak na kaalaman ang mga Brasilero kaugnay sa sakit na breast cancer.
Sa tala ng World Health Organization, halos isang milyon at 400,000 ang kaso ng breast cancer taon-taon sa buong mundo, habang mahigit 400,000 naman ang namamatay dahil sa sakit na ito.
Ayon sa isang oncologist na si Dr. Luci Ishii, nangunguna ang breast cancer sa pangunahing sanhi ng kamatayan sa mga kababaihang Brasileira.
Ayon naman kay Consul General Ariz Severino Convalecer, mahalaga ang ganitong programa di lamang sa mga mamamayan ng Brazil kundi sa ating mga kapwa Filipino na rin.
( Roland Lajara / UNTV Correspondent )
Tags: Brazil, Embahada ng Pilipinas