Bangsamoro history forum, ginanap kasabay ng paggunita sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro signing

by monaliza | March 27, 2015 (Friday) | 1241

bangsamoro-forum
Kasabay ng paggunita ng paglagda ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, isang forum ang isinagawa kaninang alas-nuebe y’ media ng umaga upang talakayin ang kasaysayan ng Bangsamoro sa bansa.

Ito ay inorganisa ng National Historical Commission of the Philippines o N-H-C-P, na layuning ipaunawa ang naging partisipasyon ng mga kababayan nating Muslim sa bansa.

Ipinaliwanag sa nasabing forum ang kalagayan ng mga Bangsamoro bago at habang nasa ilalim ng pananakop ng mga banyaga ang Pilipinas at ang kanilang naging kontribusyon sa pagbuo sa ating bansa.

March 27,2014 nang nilagdaan ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro ng pamahalaan at MILF, sa pamamagitan nina MILF peace panel chief Mohagher Iqbal at Government peace panel Chair Prof.Miriam Coronel Ferrer na sinaksihan naman nina Pangulong Aquino,MILF Chairman Al-Haj Murad, at Malaysian Prime Minister Najib Razak.