Bangsamoro Bill, malabong maipasa sa KAMARA sa Hunyo 11, ayon sa House Majority Leader

by Radyo La Verdad | June 2, 2015 (Tuesday) | 2481

HOR
Kulang ang walong session days mula ngayon araw upang ipasa ang Bangsamoro Bill na kinapapalooban ng ilang maseselang probisyon

Ayon kay House Majority Floor Leader Neptali Gonzales II, malabo nilang matugunan ang deadline na June 11 sa dami ng mga kongresistang makikipag-debate tungkol sa nilalaman ng Bangsamoro Bill.

Maliban sa mga kontroberyal na probisyon sa Bangsamoro Bill isa pa sa problema sa ngayon ng kamra ay ang pagkakaroon ng quorum.

Dito kailangan ay may 147 congressmen ang present para maituloy ang debate.

Una nang hiniling ni AD HOC Committee Chairman Rufus Rodriguez na simulan ng alas-10 ng umaga ang sesyon upang maging mahaba ang oras ng debate sa Bangsamoro Bill.

Subalit malabo pa itong payagan ng House Leadership sa ngayon.

Samantala, itinanggi naman ng Majority Leader at ibang pang kongresista ang isyung nabayaran ang mga kongresista upang bumoto ng pabor sa Bangsamoro Bill.(Grace Casin/UNTV News)

Tags: ,