Para sa mga miyembro ng 1987 Constitutional Convention, dapat munang ipasa ang kontrobersyal na Bangsamoro Basic Law kaysa sa isinusulong na federalismo.
Magiging basehan umano ito upang makita kung magiging matagumpay ang planong pagpapalit ng porma gobyerno ng bansa.
Ayon pa sa mga dating miyembro ng Con-Com, karamihan sa mga probisyon ng BBL ay naaayon sa konstitusyon.
Naniniwa rin anila sila na ito ang lulutas sa historical injustice sa Mindanao at matagal nang armed conflict.
Sa pagpapasa ng BBL, ipinanukala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maisama dito ang anti-political dysnasty provision. Bagay na sinang-ayunan naman ni dating Chief Justice Hilario Davide Junior.
Ayon sa Senador, posible aniyang maisama ang probisyon na ito gaya ng kanilang ginawa sa Sanggunian Kabataan Reform Act noong nakaraang kongreso.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: BBL, Con-Com, federalismo