Bangko Sentral ng Pilipinas, naglabas ng mga perang papel na may “enhanced designs”

by Radyo La Verdad | December 6, 2017 (Wednesday) | 11344

Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga banknotes o mga perang papel na may “enhanced designs.”

Sa mga banknote na inilibas, simula Martes, Dec. 5, mapapansin ang ilan sa pagbabago gaya nang nakalagay sa P200 bills kung saan naka-highlight ang declaration of Philippine Independence at ang Malolos Congress.

Makikita naman sa P50 bills ang katagang “Leyte Landing October 1944” sa halip na “Leyte Landing” lang na gaya ng makikita sa limang pera.

Inalis din ang imahe ng order of Lakandula Medal at ang katagang “Medal of Honor” sa P20, P50, P100, P200 at P1,000.

Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas na wala naman silang binago sa new generation currency bagaman pinatingkad nila ang ilang disenyo para mabigyan ng pansin ang kasaysayan at likas na yaman ng bansa.

Tags: , ,